Font Size
Hoseas 9:9-11
Ang Biblia, 2001
Hoseas 9:9-11
Ang Biblia, 2001
9 Pinasama(A) nila nang lubusan ang kanilang mga sarili.
na gaya nang mga araw ng Gibea;
kanyang aalalahanin ang kanilang kasamaan,
kanyang parurusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan.
Ang Kasalanan ng Israel at mga Bunga Nito
10 Aking(B) natagpuan ang Israel na parang ubas sa ilang.
Aking nakita ang inyong mga magulang
na parang unang bunga sa puno ng igos
sa kanyang unang kapanahunan.
Ngunit sila'y pumaroon kay Baal-peor,
at itinalaga ang kanilang sarili sa kahihiyan,
at naging kasuklamsuklam na gaya ng bagay na kanilang inibig.
11 Ang kaluwalhatian ng Efraim, ay lilipad papalayo na parang ibon;
walang panganganak, walang pagbubuntis, at walang paglilihi!