Add parallel Print Page Options

17 Pagkatapos, ang lahi naman ni Simeon ang tinulungan ng lahi ni Juda na sakupin ang lungsod ng Zefat na tinitirhan din ng mga Cananeo. Winasak nila nang husto[a] ang lungsod, kaya tinawag itong Horma.[b] 18 Sinakop din nila ang mga lungsod ng Gaza, Ashkelon at Ekron, pati ang mga teritoryo nito sa paligid.

19 Tinulungan ng Panginoon ang mga lahi ng Juda. Sinakop nila ang mga kabundukan, pero hindi nila madaig ang mga tao na nakatira sa mga kapatagan dahil may mga karwahe silang yari sa bakal.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:17 Winasak … husto: Ang kahulugan nito sa Hebreo ay ang mga bagay na ibinigay sa Panginoon bilang handog o winasak ang mga ito.
  2. 1:17 Horma: Ang ibig sabihin, pagkawasak.