Hukom 14:16-18
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
16 Kaya pumunta ang babae kay Samson na mangiyak-ngiyak. Sinabi niya, “Hindi mo pala ako mahal. Nagpahula ka ng bugtong sa mga kababayan ko pero hindi mo sinabi sa akin ang sagot.” Sumagot si Samson, “Hindi ko nga sinabi sa mga magulang ko, sa iyo pa kaya?” 17 Mula noon, patuloy na umiyak ang babae hanggang sa ikapitong araw. Kaya sinabi na lang ni Samson sa kanya ang sagot dahil tuloy pa rin ang pangungulit niya. At ang sinabi ni Samson sa kanya ay sinabi rin niya sa kanyang kababayan. 18 Kaya bago matapos ang ikapitong araw, sinagot nila ang bugtong. Sinabi nila kay Samson,
“Wala nang mas tatamis pa sa pulot, at wala nang mas lalakas pa sa leon.”
Sumagot si Samson,
“Kung hindi nʼyo pinilit ang asawa[a] ko,
hindi nʼyo sana nalaman ang sagot.”
Footnotes
- 14:18 Kung … asawa: sa literal, Kung hindi ninyo ipinang-araro ang aking dumalagang baka.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®