Add parallel Print Page Options

17 Mula noon, patuloy na umiyak ang babae hanggang sa ikapitong araw. Kaya sinabi na lang ni Samson sa kanya ang sagot dahil tuloy pa rin ang pangungulit niya. At ang sinabi ni Samson sa kanya ay sinabi rin niya sa kanyang kababayan. 18 Kaya bago matapos ang ikapitong araw, sinagot nila ang bugtong. Sinabi nila kay Samson,

“Wala nang mas tatamis pa sa pulot, at wala nang mas lalakas pa sa leon.”

Sumagot si Samson,

“Kung hindi nʼyo pinilit ang asawa[a] ko,
hindi nʼyo sana nalaman ang sagot.”

19 Pinalakas ng Espiritu ng Panginoon si Samson. Pumunta siya sa Ashkelon at doon pinatay niya ang 30 tao at kinuha ang mga ari-arian at mga damit ng mga ito. Pagkatapos, ibinigay niya ang mga damit sa mga tao na nakasagot ng bugtong niya. Kaya umuwi siya sa magulang niya na galit na galit dahil sa nangyari.

Read full chapter

Footnotes

  1. 14:18 Kung … asawa: sa literal, Kung hindi ninyo ipinang-araro ang aking dumalagang baka.