Font Size
Hukom 15:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Hukom 15:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Nagtanong ang mga Filisteo kung sino ang gumawa noon, at nalaman nilang si Samson. Nalaman din nilang ginawa iyon ni Samson dahil ipinakasal ng biyenan niyang taga-Timnah ang asawa niya sa isa niyang kaibigan.[a] Kaya hinanap ng mga Filisteo ang babae at ang kanyang ama at sinunog nila.
7 Sinabi ni Samson sa mga Filisteo, “Dahil sa ginawa nʼyong ito, hindi ako titigil hanggaʼt hindi ako nakakapaghiganti sa inyo.” 8 Kaya buong lakas na nilusob ni Samson ang mga Filisteo at marami ang napatay niya. Pagkatapos, tumakas siya at nagtago sa kweba, sa may bangin ng Etam.
Read full chapterFootnotes
- 15:6 kaibigan: Tingnan ang “footnote” sa talatang 2.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®