Add parallel Print Page Options

Kaya tinanong ni Delaila si Samson. Sinabi niya, “Ipagtapat mo sa akin ang sekreto ng lakas mo. Kung may gagapos o huhuli sa iyo, paano niya ito gagawin?” Sumagot si Samson, “Kung gagapusin ako ng pitong sariwang bagting ng pana,[a] magiging katulad na lang ng karaniwang tao ang lakas ko.”

Nang malaman ito ng mga pinuno ng Filisteo, binigyan nila si Delaila ng pitong sariwang bagting ng pana at iginapos niya si Samson.

Read full chapter

Footnotes

  1. 16:7 bagting ng pana: sa Ingles, “bowstring.”