Add parallel Print Page Options

16 Nang madilim na, may isang matandang lalaki na pauwi galing sa kanyang bukirin. Ang matandang itoʼy nakatira dati sa kabundukan ng Efraim, pero ngayon ay nakatira na sa Gibea na sakop ng teritoryo ng lahi ni Benjamin.

17 Nang makita ng matanda ang manlalakbay sa plasa, nilapitan niya ang mga ito at tinanong, “Taga-saan kayo? At saan kayo pupunta?” 18 Sumagot ang Levita, “Galing kami sa Betlehem na sakop ng Juda at pauwi na kami sa bahay namin[a] sa kabundukan ng Efraim. Walang nag-alok sa amin na tumuloy sa bahay niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 19:18 sa bahay namin: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, bahay ng Panginoon.