Add parallel Print Page Options

18 Sumagot ang Levita, “Galing kami sa Betlehem na sakop ng Juda at pauwi na kami sa bahay namin[a] sa kabundukan ng Efraim. Walang nag-alok sa amin na tumuloy sa bahay niya. 19 May pagkain at inumin kami ng asawa ko at ng aking utusan. Mayroon kaming dayami at pagkain para sa mga asno namin. Kaya wala na kaming kailangan pa.” 20 Sinabi ng matanda, “Huwag kayong matulog dito sa plasa; doon na lang kayo sa aking bahay. Handa akong magbigay ng kahit anong kakailanganin ninyo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 19:18 sa bahay namin: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, bahay ng Panginoon.