Add parallel Print Page Options

20 Sinabi nila sa mga lahi ni Benjamin, “Magtago kayo sa mga ubasan, 21 at bantayan nʼyo ang mga dalagang taga-Shilo. Kapag dumaan sila roon para sumayaw sa pista, lumabas kayo sa taniman at kumuha ng mapapangasawa ninyo at dalhin sa inyong lugar. 22 Kung magrereklamo sa amin ang kanilang mga ama o mga kapatid na lalaki, ito ang sasabihin namin sa kanila, ‘Nakikiusap kami na pabayaan nʼyo na lang sila dahil kulang ang mga dalagang nakuha natin noong lusubin natin ang Jabes Gilead. Wala kayong pananagutan dahil hindi naman kayo pumayag na mapangasawa ng mga lahi ni Benjamin ang mga anak ninyong babae.’ ”

Read full chapter