Font Size
Hukom 6:13-15
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Hukom 6:13-15
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
13 Sumagot si Gideon, “Kung[a] sumasaamin nga ang Panginoon, bakit ganito ang kalagayan namin? Bakit hindi na siya gumagawa ng mga himala gaya ng ginawa niya noon nang inilabas niya sa Egipto ang aming mga ninuno, ayon na rin sa mga kwento nila sa amin? At ngayon, pinabayaan na kami ng Panginoon at ipinaubaya sa mga Midianita.”
14 Sinabi ng Panginoon kay Gideon, “Humayo ka at gamitin ang buong lakas mo sa pagliligtas sa Israel mula sa mga Midianita. Ako ang nagsusugo sa iyo.”
15 Sumagot si Gideon, “Pero paano ko po maililigtas ang Israel? Ang pamilya po namin ang pinakamahina sa lahi ni Manase at ako naman po ang pinakaaba sa pamilya namin.”
Read full chapterFootnotes
- 6:13 Sa Hebreo ang sagot ni Gideon ay nagsisimula sa salitang “adonai”, na maaaring isalin na “Ginoo” o “Panginoon”. Ganoon din sa talatang 15.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®