Add parallel Print Page Options

Awit ng Pagpupuri sa Diyos

10 Umawit kayo ng isang bagong awit para kay Yahweh,
    ang buong daigdig sa kanya ay magpuri!
Purihin ninyo siya, kayong mga naglalayag;
    kayong lahat na nilalang sa karagatan!
Umawit kayong lahat na nasa malalayong kapuluan.
11 Kayo ay magdiwang, kayong nasa disyerto, at sa mga bayan,
    mga taga-Kedar, kayo ay magdiwang;
mga taga-Sela, kayo'y mag-awitan,
    kayo ay umakyat sa tuktok ng bundok at kayo'y sumigaw sa kagalakan.
12 Kayong nasa malalayong lupain,
    purihin ninyo si Yahweh at parangalan.
13 Siya ay lalabas, parang mandirigma na handang lumaban,
    siya ay sisigaw bilang hudyat ng pagsalakay,
    at ang kapangyarihan niya'y ipapakita sa mga kaaway.

Read full chapter