Add parallel Print Page Options

Katuwiran(A) ang magiging bigkis ng kanyang baywang,
    at katapatan ang pamigkis ng kanyang mga balakang.

At(B) ang asong-gubat ay maninirahang kasama ng kordero,
    at mahihigang kasiping ng batang kambing ang leopardo,
ang guya, ang batang leon, at ang patabain ay magkakasama;
    at papatnubayan sila ng munting bata.
Ang baka at ang oso ay manginginain;
    ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping;
    at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka.

Read full chapter