Add parallel Print Page Options

11 Noo'y pinaparangalan ka ng tugtog ng alpa,
    ngayo'y narito ka na sa daigdig ng mga patay.
Uod ang iyong hinihigan
    at uod rin ang iyong kinukumot.”

12 “O(A) Maningning na Bituin sa umaga,
    anak ng Bukang-liwayway!
Bumagsak ka rin sa lupa, at nahulog mula sa langit.
    Ikaw na nagpasuko sa mga bansa!
13 Hindi(B) ba't sinabi mo sa iyong sarili?
    ‘Aakyat ako sa langit;
at sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos,
    ilalagay ko ang aking trono.
Uupo ako sa ibabaw ng bundok
    na tagpuan ng mga diyos sa malayong hilaga.

Read full chapter