Add parallel Print Page Options

17 Hindi ba't winasak niya ang buong daigdig,
    at nilupig ang mga lunsod,
    ang taong ayaw palayain ang mga bilanggo?
18 Lahat ng hari ng mga bansa'y mahihimlay
    sa magagara nilang puntod.
19 Ngunit ikaw ay hindi ililibing sa iyong libingan,
    ang bangkay mo'y itatapon na parang sangang walang kabuluhan.
Tatabunan ka ng mga bangkay ng mga napatay sa digmaan.
    Ihuhulog kang kasama ng mga iyon sa mabatong hukay,
    matutulad ka sa bangkay na tinatapak-tapakan.

Read full chapter