Font Size
Isaias 14:2-4
Magandang Balita Biblia
Isaias 14:2-4
Magandang Balita Biblia
2 Tutulungan ang Israel ng ibang mga bansa upang makabalik sa sariling lupain at paglilingkuran nila ang mga Israelita bilang mga alipin. Magiging bihag ng mga Israelita ang mga dating bumihag sa kanila at masasakop nila ang noo'y nagpapahirap sa kanila.
3 Sa araw na pagpahingahin kayo ni Yahweh sa inyong paghihirap, pagtitiis at pagkaalipin, 4 hahamakin ninyo nang ganito ang hari ng Babilonia:
“Bumagsak na ang malupit na hari!
Hindi na siya makapang-aaping muli.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.