Add parallel Print Page Options

20 Hindi ka malilibing na tulad ng ibang hari,
    sapagkat winasak mo ang iyong sariling bayan
    at nilipol mo ang iyong sariling nasasakupan.
Walang makakaligtas sa iyong masamang sambahayang tulad mo.
21 Simulan na ang paglipol sa kanyang mga anak
    dahil sa kasalanan ng kanilang ama!
Hindi na sila muling maghahari sa mundo,
    o maninirahan sa mga lunsod sa lupa.’”

Wawasakin ng Diyos ang Babilonia

22 Sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: “Uusigin ko sila, at uubusin ko ang natitira sa kanilang lahi. Buburahin ko rin ang pangalan ng Babilonia.

Read full chapter