Add parallel Print Page Options

21 Simulan na ang paglipol sa kanyang mga anak
    dahil sa kasalanan ng kanilang ama!
Hindi na sila muling maghahari sa mundo,
    o maninirahan sa mga lunsod sa lupa.’”

Wawasakin ng Diyos ang Babilonia

22 Sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: “Uusigin ko sila, at uubusin ko ang natitira sa kanilang lahi. Buburahin ko rin ang pangalan ng Babilonia. 23 Gagawin ko siyang isang latian, at tirahan ng mga kuwago. Wawalisin ko siya at pupuksain,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

Read full chapter