Font Size
Isaias 14:23-25
Magandang Balita Biblia
Isaias 14:23-25
Magandang Balita Biblia
23 Gagawin ko siyang isang latian, at tirahan ng mga kuwago. Wawalisin ko siya at pupuksain,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
Wawasakin ng Diyos ang Asiria
24 Sumumpa(A) si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat:
“Mangyayari ang aking balak,
matutupad ang aking layon;
25 lilipulin ko ang mga taga-Asiria sa aking lupain,
dudurugin ko siya sa aking kabundukan.
Palalayain ko ang aking bayan sa kanilang pang-aalipin,
at sa mabigat na pasaning kanilang dinadala.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.