Font Size
Isaias 14:28-30
Magandang Balita Biblia
Isaias 14:28-30
Magandang Balita Biblia
Wawasakin ng Diyos ang mga Filisteo
28 Ang(A) mensaheng ito'y nahayag noong taóng mamatay si Haring Ahaz.
29 Huwag(B) mo munang ipagdiwang, bayang Filistia,
ang pagkabali ng pamalong inihampas sa iyo,
sapagkat sa lahi ng ahas maaaring lumitaw ang ulupong,
at mag-aanak ito ng lumilipad na dragon.
30 Ang mga mahihirap ay bibigyan ko ng pagkain,
at ang mga nangangailanga'y panatag na mamamahinga;
pababayaan kong mamatay ng gutom ang iyong lahi,
at lilipulin ko ang matitira.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.