Add parallel Print Page Options

Mawawasak ang mga napapaderang mga lungsod ng Israel,[a] at mawawala ang kapangyarihan ng Damascus. Ang sasapitin ng mga matitira sa Aram[b] ay katulad ng sinapit ng mga taga-Israel. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.

“Pagdating ng araw na iyon, mawawala na ang kapangyarihan ng Israel, at ang kanyang kayamanan ay mapapalitan ng kahirapan. Matutulad siya sa taniman ng mga butil na ginapas na ng mga nag-aani, tulad ng taniman sa Lambak ng Refaim pagkatapos ng anihan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 17:3 Israel: sa Hebreo, Efraim. Isa ito sa mga tawag sa kaharian ng Israel.
  2. 17:3 Aram: o, Syria.