Add parallel Print Page Options

Sa araw na iyon, iiwan ng mga tao ang iyong mga lunsod. Tulad ng nangyari sa mga lunsod ng mga Hivita at Amoreo[a] noong dumating ang mga Israelita.

10 Kinalimutan ninyo ang Diyos na nagligtas sa inyo,
    at hindi na ninyo naaalaala ang Bato na inyong kanlungan,
sa halip, gumawa kayo ng mga sagradong hardin
    na itinalaga ninyo sa isang diyus-diyosan,
    sa paniniwalang pagpapalain niya kayo.
11 Ngunit kahit tumubo man ang mga halaman
    at mamulaklak sa araw na inyong itinanim,
wala kang aanihin pagdating ng araw
    kundi pawang sakuna at walang katapusang kahirapan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 17:9 mga Hivita at Amoreo: Sa ibang manuskrito'y makahoy at maburol na bukirin .