Add parallel Print Page Options

Punô ng diyus-diyosan ang kanilang bayan;
    mga rebultong gawa lamang, kanilang niyuyukuran,
    mga bagay na inanyuan at nililok lamang.
Kaya ang mga tao ay hahamakin at mapapahiya;
    huwag mo silang patatawarin!
10 Magtatago(A) sila sa mga yungib na bato at sa mga hukay
    upang makaiwas sa poot ni Yahweh, at sa kaluwalhatian ng kanyang karangalan.

Read full chapter