Font Size
Isaias 21:4-6
Ang Biblia, 2001
Isaias 21:4-6
Ang Biblia, 2001
4 Ang aking isipan ay umiikot, ang pagkasindak ay nakabigla sa akin;
ang pagtatakipsilim na aking kinasabikan
ay nagpanginig sa akin.
5 Sila'y naghanda ng hapag-kainan,
iniladlad nila ang alpombra,
sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom.
Magsitindig kayong mga pinuno,
langisan ninyo ang kalasag!
6 Sapagkat ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin,
“Ikaw ay humayo, maglagay ka ng bantay;
ipahayag niya kung ano ang nakikita niya.