Font Size
Isaias 23:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 23:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang nagplano nito
upang hamakin ang kanilang kataasan
at hiyain ang mga taong dinadakila ng sanlibutan.
10 Kayong mangangalakal ng Tarsis,
sakahin na ninyo[a] ang inyong lupain na tulad ng Nilo,
sapagkat wala nang gagambala sa inyo.
11 Ang parusa ni Yahweh ay abot hanggang sa ibayong dagat
at ibinagsak ang mga kaharian;
iniutos na niyang wasakin ang mga kuta sa Canaan.
Footnotes
- 10 sakahin na ninyo: o kaya'y tawirin na ninyo; o kaya'y pabahain ninyo .