Add parallel Print Page Options

Kagalitan ay hindi sumasa akin: kung (A)makipagbaka sana ang mga dawag at mga tinik laban sa akin! akin yaong yayapakan, aking susunuging magkakasama.

O manghawak sana siya sa (B)aking lakas, upang siya'y makipagpayapaan sa akin; oo, makipagpayapaan siya sa akin.

Sa mga araw na darating ay (C)maguugat ang Jacob; ang Israel ay mamumulaklak at magbubuko: at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng sanglibutan.

Read full chapter