Add parallel Print Page Options

7-8 Mawawalang parang panaginip ang maraming bansang sumasalakay sa Jerusalem[a] at gumigiba ng mga pader nito. Ang katulad nilaʼy taong nananaginip na kumakain, pero nang magising ay gutom pa rin; o katulad ng taong nananaginip na umiinom, pero nang magising uhaw pa rin.”

Kayong mga taga-Juda, magpakatanga kayo at magpakabulag. Maglasing kayo at magpasuray-suray, pero hindi dahil sa alak.

Read full chapter

Footnotes

  1. 29:7-8 Jerusalem: sa Hebreo, Bundok ng Zion.