Font Size
Isaias 3:10-12
Magandang Balita Biblia
Isaias 3:10-12
Magandang Balita Biblia
10 Sabihin ninyo sa mga taong matuwid: “Mapalad kayo
sapagkat mapapakinabangan ninyo ang bunga ng inyong pinagpaguran!”
11 At sa masasamang tao: “Kawawa naman kayo! Ang sasapitin ninyo'y kapahamakan,
kung ano ang inyong inutang ay siya ring kabayaran, kung ano ang inyong ginawa, gayundin ang gagawin sa inyo.”
12 Mga bata ang umaapi sa aking bayan;
mga babae ang namumuno sa kanila.[a]
O bayan ko, inililigaw kayo ng inyong mga pinuno,
nililito nila kayo sa daang inyong nilalakaran.
Footnotes
- Isaias 3:12 Mga bata…kanila: o kaya'y Ang mga nagpapautang ang umaapi sa aking bayan .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.