Add parallel Print Page Options

11 At sa masasamang tao: “Kawawa naman kayo! Ang sasapitin ninyo'y kapahamakan,
    kung ano ang inyong inutang ay siya ring kabayaran, kung ano ang inyong ginawa, gayundin ang gagawin sa inyo.”
12 Mga bata ang umaapi sa aking bayan;
    mga babae ang namumuno sa kanila.[a]
O bayan ko, inililigaw kayo ng inyong mga pinuno,
    nililito nila kayo sa daang inyong nilalakaran.

Hinatulan ng Diyos ang Kanyang Bayan

13 Nakahanda na si Yahweh upang ibigay ang kanyang panig,
    nakatayo na siya upang hatulan ang kanyang bayan.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 3:12 Mga bata…kanila: o kaya'y Ang mga nagpapautang ang umaapi sa aking bayan .
  2. Isaias 3:13 kanyang bayan: Sa ibang manuskrito'y mga bansa .