Add parallel Print Page Options

28 Magpapadala siya ng malakas na hangin
    na tila bahang tumatangay sa lahat ng madaanan.
Wawasakin nito ang mga bansa
    at wawakasan ang kanilang masasamang panukala.

29 Masaya kayong aawit sa pagdiriwang ninyo sa gabi ng banal na kapistahan. At sa himig ng tugtog ng plauta, aakyat kayong masaya sa bundok ni Yahweh, ang tagapagtanggol ng Israel. 30 Maririnig ang makapangyarihang tinig ni Yahweh at makikita ang pinsalang idudulot ng kanyang kamay dahil sa tindi ng galit na parang apoy na tumutupok at hanging rumaragasa kung may malakas na bagyo.

Read full chapter