Font Size
Isaias 30:28-30
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 30:28-30
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
28 Magpapadala siya ng malakas na hangin
na tila bahang tumatangay sa lahat ng madaanan.
Wawasakin nito ang mga bansa
at wawakasan ang kanilang masasamang panukala.
29 Masaya kayong aawit sa pagdiriwang ninyo sa gabi ng banal na kapistahan. At sa himig ng tugtog ng plauta, aakyat kayong masaya sa bundok ni Yahweh, ang tagapagtanggol ng Israel. 30 Maririnig ang makapangyarihang tinig ni Yahweh at makikita ang pinsalang idudulot ng kanyang kamay dahil sa tindi ng galit na parang apoy na tumutupok at hanging rumaragasa kung may malakas na bagyo.
Read full chapter