Font Size
Isaias 31:4-6
Ang Biblia, 2001
Isaias 31:4-6
Ang Biblia, 2001
4 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon sa akin,
Kung paanong ang leon at ang batang leon ay umuungal sa kanyang biktima,
at kapag ang isang pangkat ng mga pastol ay tinatawag laban sa kanya,
ay hindi natatakot sa kanilang sigaw,
o naduduwag man dahil sa kanilang ingay,
gayon bababa ang Panginoon ng mga hukbo
upang lumaban sa Bundok ng Zion, at sa burol niyon.
5 Gaya ng mga ibong nagsisilipad
gayon iingatan ng Panginoon ng mga hukbo ang Jerusalem;
iyon ay kanyang iingatan at ililigtas,
kanyang ililigtas at iingatan iyon.
6 Kayo'y manumbalik sa kanya na inyong pinaghimagsikang lubha, O mga anak ni Israel.
Read full chapter