Add parallel Print Page Options

Ang tabak ng Panginoon ay napuno ng dugo, tumaba ng katabaan, sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing, sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa: (A)sapagka't may hain sa Panginoon sa Bosra, at may malaking patayan sa lupain ng Edom.

At ang mga mailap na baka ay magsisibabang kasama nila at ang mga baka na kasama ng mga toro, at ang kanilang lupain ay malalango ng dugo, at ang kanilang alabok ay tataba ng katabaan.

Sapagka't kaarawan (B)ng panghihiganti ng Panginoon, na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion.

Read full chapter