Add parallel Print Page Options

Ang mabangis na pananalumpati ni Rabsaces.

At sinabi ni Rabsaces sa kanila, Sabihin ninyo ngayon kay Ezechias, Ganito ang sabi ng dakilang hari, ng hari sa Asiria, Anong pagasa itong iyong tinitiwalaan?

Aking sinasabing ang iyong payo at kalakasan sa pakikidigma ay mga salita lamang na walang kabuluhan: ngayo'y kanino ka tumitiwala na ikaw ay nanghimagsik laban sa akin?

Narito, ikaw ay tumitiwala sa tungkod na ito (A)na tambong lapok, sa makatuwid baga'y sa Egipto, na kung ang sinoman ay sumandal, ay bubutas sa kaniyang kamay, at tatasakan: nagiging (B)gayon si Faraong hari sa Egipto sa lahat na nagsisitiwala sa kaniya.

Read full chapter