Add parallel Print Page Options

18 Tunay nga, O Yahweh, na winasak ng mga hari ng Asiria ang lahat ng bansa. 19 Sinunog nila ang diyos ng mga ito, sapagkat ang diyos nila'y hindi tunay; mga bato at kahoy lamang na gawa ng mga tao. 20 Kaya iligtas mo kami Yahweh, O aming Diyos, sa kamay ni Senaquerib upang malaman ng lahat ng kaharian sa lupa na ikaw lamang, ang tunay na si Yahweh.”

Read full chapter