Add parallel Print Page Options

Sa gayo'y ang mga lingkod ng haring Ezechias ay naparoon kay Isaias.

At sinabi ni Isaias sa kanila, Ganito ang inyong sasabihin sa inyong panginoon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kang matakot sa mga salita na iyong narinig, na ipinanungayaw sa akin ng mga lingkod ng hari sa Asiria.

Narito, ako'y maglalagay ng espiritu sa kaniya, at (A)siya'y makakarinig ng kaingay, at babalik sa kaniyang sariling lupain; at aking ipabubuwal siya sa pamamagitan ng tabak sa kaniyang sariling lupain.

Read full chapter