Font Size
Isaias 38:12-14
Ang Biblia (1978)
Isaias 38:12-14
Ang Biblia (1978)
12 (A)Ang tirahan ko'y inaalis, at dinadala na (B)gaya ng tolda ng pastor:
Aking pinupulon ang aking buhay, na gaya ng pagpupulon ng manghahabi; kaniyang ihihiwalay ako sa habihan:
Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako.
13 Ako'y tumigil hanggang sa kinaumagahan; katulad ng leon, gayon niya binabali ang lahat kong mga buto:
Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako.
14 Gaya ng langaylangayan o ng tagak, humihibik ako;
(C)Ako'y tumangis na parang kalapati: (D)ang aking mga mata ay nangangalumata sa pagtingala;
Oh Panginoon, ako'y napipighati, ikaw nawa'y maging tangulan sa akin.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978