Font Size
Isaias 38:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 38:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Ang hirap na ito'y aking nalalaman, na tanging ako rin ang makikinabang.
Iyong iniligtas[a] ang buhay na ito, hindi mo hinayaang mahulog sa hukay,
at pinatawad mo ako sa aking mga kasalanan.
18 Ang(A) patay ay hindi na makakapagpuri sa iyo,
o makakaasa sa iyong katapatan.
19 Mga buháy lamang ang makakapagpuri sa iyo,
tulad ng ginagawa ko ngayon,
at tulad din ng ama na itinuturo sa mga anak ang katapatan.
Footnotes
- 17 iniligtas: Sa ibang manuskrito'y inibig .