Font Size
Isaias 4:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 4:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Sa pamamagitan ng makatarungang paghatol, huhugasan ni Yahweh ang karumihan ng Jerusalem at ang dugong nabuhos doon. 5 Pagkatapos,(A) lilikha si Yahweh ng isang ulap kung araw na lililim sa Bundok ng Zion at sa mga nagkakatipon roon at magiging maliwanag na ningas kung gabi. Lalaganap ang kanyang kaluwalhatian gaya ng isang malawak na bubong na 6 magsisilbing lilim sa init ng araw at kublihan kapag may bagyo at ulan.
Read full chapter