Font Size
Isaias 40:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 40:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Sino(A) ang makakapagsabi ng dapat gawin ni Yahweh?
May makakapagturo ba o makakapagpayo sa kanya?
14 Sino ang kanyang puwedeng sanggunian para maliwanagan?
Sinong nagturo sa kanya ng landas ng katarungan?
Sinong nagkaloob sa kanya ng kaalaman at ng paraan upang makaunawa?
15 Sa(B) harap ni Yahweh ang mga bansa ay walang kabuluhan,
tulad lang ng isang patak ng tubig sa isang sisidlan;
at ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang.