Add parallel Print Page Options

20 Ang mga gumagawa nito'y parang kumakain ng abo.[a] Lubusan na siyang nailigaw ng kanyang maling paniniwala at mahirap nang ituwid. At hindi siya papayag na ang rebultong hawak niya ay hindi mga diyos.

Si Yahweh, ang Manlilikha at Tagapagligtas

21 Sinabi ni Yahweh,
“Tandaan mo Israel, ikaw ay aking lingkod.
Nilalang kita upang maglingkod sa akin.
    Hindi kita kakalimutan.
22 Ang pagkakasala mo'y pinawi ko na, naglahong ulap ang katulad;
    Ika'y manumbalik dahil tinubos na kita at pinalaya.

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 44:20 parang kumakain ng abo: o kaya'y nag-aaksaya lamang ng pagod at panahon .