Isaias 44:7-9
Ang Biblia (1978)
7 At sino, na gaya ko, tatawag, at (A)magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila.
8 Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: (B)hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at (C)kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.
Inilarawan ang kahangalan ng idolatria.
9 (D)Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay (E)hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978