Add parallel Print Page Options

13 Aking ibinangon (A)siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; (B)kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, (C)hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang Panginoon lamang ang tagapagligtas.

14 Ganito ang sabi ng Panginoon, (D)Ang yari ng Egipto, at ang kalakal ng Etiopia, at ang mga Sabeo, sa mga taong matatangkad, ay magsisiparito sa iyo, at sila'y magiging iyo; sila'y magsisisunod sa iyo, sila'y (E)magsisidaang may tanikala; at sila'y mangagpapatirapa sa iyo, sila'y magsisipamanhik sa iyo, na mangagsasabi, (F)Tunay na ang Dios ay nasa iyo; at (G)walang ibang Dios.

15 Katotohanang ikaw ay Dios (H)na nagkukubli, Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas.

Read full chapter