Font Size
Isaias 45:20-22
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Isaias 45:20-22
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
20 Sinabi pa ng Panginoon, “Magtipon kayong lahat at lumapit sa akin, kayong mga tumakas mula sa mga bansa. Walang alam ang mga nagdadala ng mga dios-diosan nilang kahoy. Nananalangin sila sa mga dios-diosang ito, na hindi naman makapagliligtas sa kanila. 21 Isangguni ninyo sa isaʼt isa, at ihayag ang inyong usapin. Sino ang humula noon tungkol sa mga bagay na mangyayari? Hindi baʼt ako, ang Panginoon? Wala nang ibang Dios, ako lang, ang Dios na matuwid at Tagapagligtas.
22 “Lumapit kayo sa akin para maligtas kayo, kayong lahat sa buong mundo.[a] Sapagkat ako ang Dios at maliban sa akin ay wala nang iba pa.
Read full chapterFootnotes
- 45:22 buong mundo: sa literal, sa pinakadulo ng mundo.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®