Add parallel Print Page Options

Ako'y nagalit sa aking bayan,
    ang aking mana ay aking dinungisan;
ibinigay ko sila sa iyong kamay,
    hindi mo sila pinagpakitaan ng kaawaan;
sa matatanda ay pinabigat mong lubha ang iyong pasan.
At iyong sinabi, “Ako'y magiging maybahay mo magpakailanman,”
    na anupa't hindi mo inilagay ang mga bagay na ito sa iyong puso,
    o inalaala mo man ang kanilang wakas.

Ngayon(A) nga'y pakinggan mo ito, ikaw na namumuhay sa mga kalayawan,
    na tumatahang matiwasay,
na nagsasabi sa kanyang puso,
    “Ako nga, at walang iba liban sa akin;
hindi ako uupong gaya ng babaing balo
    o mararanasan man ang pagkawala ng mga anak”:

Read full chapter