Add parallel Print Page Options

11 Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon; (A)sapagka't, bakit lalapastanganin ang aking pangalan? (B)at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba.

Ipinangako ang pagkaligtas mula sa Babilonia.

12 Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: (C)Ako nga; (D)ako ang una, ako rin ang huli.

13 Oo, ang aking kamay ay siyang (E)naglagay ng patibayan ng lupa, at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit: pagka ako'y tumatawag sa kanila, sila'y nagsisitayong magkakasama.

Read full chapter