Add parallel Print Page Options

Ipinangako ang pagkaligtas mula sa Babilonia.

12 Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: (A)Ako nga; (B)ako ang una, ako rin ang huli.

13 Oo, ang aking kamay ay siyang (C)naglagay ng patibayan ng lupa, at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit: pagka ako'y tumatawag sa kanila, sila'y nagsisitayong magkakasama.

14 Kayo'y magpipisan, kayong lahat, at inyong dinggin; (D)sino sa kanila ang nagpahayag ng mga bagay na ito? (E)Siyang iniibig ng Panginoon ay (F)kaniyang tutuparin ang kaniyang kaligayahan sa Babilonia, at bubuhatin niya ang kaniyang kamay sa mga (G)Caldeo.

Read full chapter