Add parallel Print Page Options

12 “Makinig kayo sa akin, kayong mga taga-Israel na aking pinili. Ako ang Dios; ako ang pasimula at ang wakas ng lahat. 13 Ako ang naglagay ng pundasyon ng mundo at ako rin ang nagladlad ng langit. Kapag nag-utos ako sa mga ito, itoʼy sumusunod.

14 “Magtipon kayong lahat at makinig: Sino sa mga dios-diosan ang humulang lulusubin ng aking kaibigan[a] ang Babilonia para sundin ang ipinapagawa ko laban sa bansang iyon? Wala!

Read full chapter

Footnotes

  1. 48:14 kaibigan: Maaaring si Haring Cyrus.