Add parallel Print Page Options

20 Umalis kayo sa Babilonia! Buong galak ninyong ihayag sa buong mundo[a] na iniligtas ng Panginoon ang kanyang lingkod, ang mga mamamayan ng Israel.[b] 21 Hindi sila nauhaw nang patnubayan sila ng Dios sa ilang, dahil pinaagos niya ang tubig mula sa bato para sa kanila. Biniyak niya ang bato at umagos ang tubig. 22 Pero ang masasama ay hindi magkakaroon ng kapayapaan, sabi ng Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 48:20 buong mundo: sa literal, sa pinakadulo ng mundo.
  2. 48:20 ang mga mamamayan ng Israel: sa Hebreo, na si Jacob.