Font Size
Isaias 49:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Isaias 49:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 Hindi sila magugutom o mauuhaw. Hindi sila maiinitan ng matinding init ng araw o ng mainit na hangin sa ilang. Sapagkat akong nagmamalasakit sa kanila ay magpapatnubay sa kanila sa mga bukal. 11 Gagawin kong daanan ang aking mga bundok na kanilang dadaanan. Ang mga lugar na matataas ay magiging pangunahing daan. 12 Darating ang aking mga mamamayan mula sa malayo. Manggagaling ang iba sa hilaga, ang iba namaʼy sa kanluran, at ang ibaʼy galing pa sa Sinim.”[a]
Read full chapterFootnotes
- 49:12 Sinim: Sa ibang tekstong Hebreo, Aswan. Itoʼy isang lugar sa timog ng Egipto.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®