Font Size
Isaias 49:2-4
Ang Biblia, 2001
Isaias 49:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Ang(A) aking bibig ay ginawa niyang parang matalas na tabak,
sa lilim ng kanyang kamay ay ikinubli niya ako;
ginawa niya akong makinang na palaso,
sa kanyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako.
3 At sinabi niya sa akin, “Ikaw ay aking lingkod;
Israel, na siyang aking ikaluluwalhati.”
4 Ngunit aking sinabi, “Ako'y gumawang walang kabuluhan,
ginugol ko ang aking lakas sa wala, at sa walang kabuluhan;
gayunma'y ang aking katarungan ay nasa Panginoon,
at ang aking gantimpala ay nasa aking Diyos.”